PAGMAMAHAL SA TINUBUANG BAYAN

PAGMAMAHAL SA TINUBUANG BAYAN
Dambana ng Kagitingan

Saturday, October 17, 2009

KALAYAANG ASAM Just found from my files one of my literary pieces i wrote when i was still in college, from the portfolio of the Forum, PUP-MB GUSI.

Hindi mahulugang karayom ang liwasan ng Dambanang Aguinaldo sa Kawit, Cavite sa dami ng mga taong hindi makapitan ng alikabok noong araw ng Hunyo 12, 1998, ang araw ng pagdiriwang ng mga Pilipino sa kanilang sentenyal na selebrasyon ng kalayaan. Ang lahat ay tumahimik at nangalinsag ang mga balahibo nang tumugtog ang pambansang awit ng Pilipinas at isa ako sa mga taong duo’y nakisalo sa makabasag kampanang karangyaan ng paghahanda para lang magunita ang ika-isandaang taon ng pagtatagumpay ng ating bayan laban sa mga kaaway. Hilong-talilong ako nang magkaroon ng kaunting kaguluhan nang ang isang hindi na makasampa sa pugad na lalaki’y nadapa sa pagmamadali sa pagsulyap sa Presidente ng Pilipinas habang isinasadula ang pagwawagayway ng bandila ng liping mahal. Nais nya marahil maalala ang tunay na naganap sa mansyon ni Aguinaldo noong 1898. Nag-aapoy naman ang tuktok ng bantay na pulis sa pagsaway sa mga taong nagbabalik-tanaw. Putak ito ng putak at tumigil lamang na parang pinitpit na luya nang isang tabang-lamig na babaeng tila nagmumurang kamyas ang walang preno ang bibig na nagalit. Samutsaring pangyayari ang naganap doon hanggang hampas-tikin at iisa ang aking napansin. Ang pagdiriwang na ito’y sinuob ng kamanyang at bakas sa mukha ng mga tao ang ikapitong-langit na kaligayahang naramdaman ng ating mga ninuno isandaan-taon na ang nakararaan. Ngunit ako’y matamang nag-isip. Tunay nga kayang tayo’y isang bansang malaya na ngayon? May katuturan kaya ang pagdiriwang ng kalayaang ipinaglaban ng ating mga nagtitikim-idlip na bayani habang noo’y itinataboy ang mga walang kaluluwang kaaway at naghain ng iisang buhay para sa ikatutubos ng Inang Bayan? Bigla , ako’y nahulog sa mas malalim na pag-iisip. Sumagi sa aking isipan ang mga naghihirap nating kapwa Pilipino. Masaya kaya ang mga kayod nang kayod na mga dukhang may puyo sa talampakan? Nararamdaman kaya nila ang tamis ng pagka-Pilipino sa mga oras na iyon habang kukulo-kulo ang tiyan, idagdag pang walang matirhan? Tunay bang kalayaan para sa iba ang hawak sa leeg na paghahanapbuhay na parang tisuring-batong mga alila sa ilalim ng mga naglipanang malalaking kompanyang pag-aari ng mga ganid na imperyalistang ni bahid ng dugong pagka-Pilipino ay wala? Ito ba ang matatawag nating kalayaan? Ito ba ang ating ipinagdiriwang? Habang ang Pilipinas sa ngayo’y humaharap sa malalaking suliraning kultural, sosyal, moral at politikal? Namunimuni ko…Isandaantaon na ang nakalipas. Wala na ang mga kalaban at may iba na tayong kaaway. At marami pa tayong ipaglalaban na dapat mapagtagumpayan sa ngayon. Mga kalayaang makasasapat upang makatikim ng mabulaklak na landas ang ating mahal na Pilipinas. Kalayaan sa paghihirap. Kalayaan sa kapangitan ng mga ugali ng mismong mga asal-hudas na kapwa Pilipinong magkaminsa’y bumabahid ng putik sa ating pangalan. Kalayaan upang di maging isang tisuring-bato at sa di pantay na pagtingin ng mga taga-ibayong dagat sa ating mga kababayan. Kalayaang maipakita sa mundo ang gintong-asal na siyang buod ng ating pagkamamamayan…Ang lahat ng ito’y aking pinag-iisipang parang nagdaan sa bistay. Kung tutuusin lumilipad sa alapaap ang aking pag-asam Ngunit ako’y umaasa na darating ang bukang- liwayway at lahat tayo’y makakaisip na ibangon sa matagal na pagkakahimlay ang kabuodan ng ating pagka Pilipino. Itaga natin sa bato na walang ibang tutulong sa atin kundi kapwa Pilipino. Ipagtirik nating lahat ng kandila ang pag-asang ito at isagawa upang tayo’y tunay na maging isang bansang malaya. Kundi natin ito magagawa ay maiwawangis tayo sa bayong na walang laman at kung buhay lamang si Rizal, sampu ng ibang nag-alay ng buhay para sa kalayaan ay maaring ipagbara nya ito ng ilong at tayong lahat ay ituring na pambala sa kanyon.

Saturday, October 3, 2009

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA About The Theme

This blogsite is made for all Pinoys and for those who love the Filipino people and the Philippines. The theme centers on presenting the country' best. Its people, its culture and arts. Prestiges and accolades bestowed and received abroad . Achievements of fellow countrymen, then and now. Rekindling fond memories of how grandiose our forefathers were long before we were all born. And showcasing the greatness of todays generation as well as insights of new breed of Pinoys with modern nationalistic ideals who worked and still working to have a better Philippines to this day and age. All for the common good, all for a single goal - the love of country and its welfare.

Thursday, October 1, 2009

AKING BAYANG GINIGILIW About The Title

Magiliw is a Filipino term for loving and tender or affectionate. The root word giliw is a variation of Tagalog words mahal, irog and sinta which are all synonymous to "to love, loving". The phrase bayang magiliw is directly translated as a loving country, a loving people or a loving land and has an equal meaning with "bayang mapagmahal", "bayang mapagsinta" and "bayang umiirog" to our vernacular. It could similarly be interpreted to Pinoy terms like bayang ginigiliw, bayang minamahal, bayang sinisinta and bayang iniirog in which all connotes only one - "my beloved country". In the hope to ignite Philippine patriotism more to those who already had embraced endearment to his country, the title is derived from the first two words of the lyrics in our national anthem. This blogsite intends to capture the substance and character of being a true-blooded Pinoy in the most valid sense of the word.

7,107 ISLANDS

7,107 ISLANDS
image from Wikipedia
Powered By Blogger